About Copongcopong's Pinoy Slang Dictionary
2003
Ang Intro at Palabok
Kumusta mga tol, repapis, tropa at kung sino ka man. Welcome ka dito pre. Ang site na ito ay ginawa para ipinunin ang mga salitang balbal o 'ika nga ay "slang" ng mga pinoy. Bakit 'ka nyo? Ang layunin ko talaga ay malaman ang mga "history" ng mga "pinoy slang". Sige na sabihin na nating salitang kalye o kanto ang mga yan, madalas na rin natin itong naririnig, mapa telebisyon man at kahit utusan ka lang sa tindahan, maririnig mo pa din yan. Pero di natin alam, meron palang pinagmulan at kahulugan ang mga ito.
Meron ka bang suggestion or gustong liwanagin at kung ano pa man, hanapin lng si Copongcopong.
Ang dating mga tagline
Copongcopong. Pinoy Slang. Salitang Kanto. Salitang Kalye. Salitang Balbal. Ito ay hindi wikang Tagalog, kungdi Wikang Pilipino.
Ang lumang disclaimer
*Ang Diksyunaryong ito ay maaring may nilalaman na salita na di angkop sa mga bata.
[This Dictionary may contain some pinoy slang that are not suitable for kids.]
2007
Nagbago ng makina.
2011
Nagbago ng makina. Naging pinoyslang.copongcopong.net ang domain
2015
Nasira.
2022
Bagong makina. Nabuhay muli.